Sampung Bilang. 

Sampung Bilang. 

Sampu – sampung taon ang agwat natin sa isa’t isa. Maraming beses akong nagtanong sa sarili ko kung tama ba na piliin ka. Hindi ko na inisip ang sasabihin ng iba. 
Siyam – siyam na buwan bago mo ako tinanong ng, “can u be my girl friend?” 
Walo – walong oras ka pang nagtatrabaho noon. Pero lagi kang nag-OOT para may pera tayo papunta sa pinakapaborito kong lugar. 
Pito – pitong beses sa isang Linggo tayo nagkikita. Walang mintis ang pagka-miss natin sa isa’t isa. 

Anim – anim na beses mo akong pinaniwala sa mga kasinungalingan mo. 
Lima – limang babae lang ang pinagmumulan ng away natin. 
Apat – “apat na taon na tayo nang niloko mo ako” ang sabi ni Lea sa pelikulang “Kita Kita”. 
Tatlo – Tatlong araw akong di makakain nang maayos at laging walang tulog. Ganito pala ang pakiramdam ng buhay na patay. 
Dalawa – Dalawang buwan bago ko nalaman ang pinakasamakit na katotohan. Shet. Huli ako sa balita. 
Isa – Isang pagkakataon pa ulit para sa ating dalawa. Kahit ang dami ko nang sinabi na, “last na talaga” gusto pa kita bigyan ng pinaka-isa pang pagkakataon dahil dun ako masaya.